Courage September 10, 2009
Posted by Jorge in Personal Thoughts.trackback
Madami akong gustong isulat, maraming dumadaan sa isip ko, pero kapag nagsimula na akong magsulat, isa isa na itong nawawala.. nakakafrustrate talaga minsan, pero iniisip ko, mas gusto siguro ni Lord na sa aming dalawa nalang ang aming pag uusap.
Nakausap ko ulet si Bro. Jun-g tungkol sa pag uwi ko. Tinanong nya ako kung nakapag exam na daw ba ako at nainterview. Well, I admit, marami pa akong nde alam kaya kung ano ano ang sagot ko, hehehe..
Isa si Bro. Jun-g sa mga sumusuporta sa aking bokasyon. Nagpapasalamat ako sa Diyos at nakilala ko sya kahit sa facebook lang. Isa sya sa mga nagpapalakas ng loob ko at tumutulong sa akin in any way. Nagpapasalamat ako at naniniwala sya sa akin.
Nuong una, pinapanalangin ko na magkaroon ako ng sapat na lakas ng loob para sa decision ko. Nde ko namalayan, natupad na pala ang aking panalangin. Unti unti ko na palang naoovercome ang mga pangamba ko sa buhay, although natatakot parin ako paminsan minsan, eto parin ako at lalong tumitindi ang pagnanasa.
Nung kachat ko kanina si Bro. Jun-g, narealize ko na kaya ko na palang iwan ang trabaho at career ko. I already set my mind na uuwi ako this October kahit walang kasiguruhan ang naghihintay sa akin duon. Sa totoo lang, wala akong idea kung anong mangyayari sa akin duon. Nangangapa parin ako at naghihintay ng mga replies sa email at texts.
Sa totoo lang, binibigyan ako ng boss ko ng mas magandang offer, wag lang akong umuwi. Sana daw magstay ako at least until June 2010. Nakakatakam ang mga offers sa akin, kung tutuusin, mas marami akong matutunan, maeexperience at kikitain. Pero padlock susi kamatis na talga ang decision ko, it’s time for me to give Lord the priority He deserved.
Nde ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko. Nde ko alam kung bakit ganito nlng kalakas ang pananalig ko na para dito talaga ako. Wala akong plano para sa sarili ko pag uwi ko, pero I truly trust the Lord kaya alam kong nde nya ako pababayaan. Ang gaan ng feeling. Kakaiba.
Tinanong ako ni bro. jun-g if in case, nde ako makapasa, ano ang balak ko? Sa totoo lang, wala akong plan B. Kung nde man ako pumasa, tsaka nalang ako gagawa ng panibagong plano. Basta sa ngaun, focus muna ako sa pagsagot sa tawag ng Panginoon.
O Diyos, sa mga panahong may mga bagay na walang kasiguruhan, tulungan Nyo nawa akong magtiwala sa Iyo at mabigyan Nyo nawa ako ng sapat na lakas na tanggapin kung ano man ang Inyong plano para sa akin. Amen.
bida ako dito ah… hehehe…
seriously, it is my prayer that you will find God’s will in your life. I’m excited on your journey towards this.
there are many uncertainties, but these uncertainties will surely strengthen our faith that God has a calling and He is calling us. It’s a beautiful grace to ask for– the courage– that we may be bold enough to trek this road less traveled.
ahh… it is his grace of courage bestowed on you as you continue to seek Him, His plan, your purpose.
enjoy the great adventure!
prayer promised.
I am truly enriched by this courage Jorge, one that can only come from the One who Calls…
I honor you for the resolve to go on Kapatid…
May you find God’s will this October…